Ang Caraga ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang silangang bahagi ng pulo ng Mindanao. Nabuo ito sa bisa ng Republic Act No. 7901 noong Pebrero 23, 1995 na inaprubahan ni Pangulong Fidel V. Ramos.
Ang Rehiyon ay binubuo ng lima (5) na lalawigan: Agusan del Norte,
Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands;
tatlong (3) lungsod: Butuan, Surigao at Bislig; pitumpong (70) bayan at
1,346 na barangay. Ang Lungsod ng Butuan ang Sentrong Pang-Rehiyon.
TRAHEDYA NG ISANG BIRHEN
by Genevieve Asenjo
by Genevieve Asenjo
walang dugong
umagos sa aking
mga hita sa unang gabi
ng kanyang paglusob.
umalingawngaw sabay
sa kanyang paglusong-
ahon ang mga hiyaw
ko't daing: sakit, hapdi,
pamamaga
ngunit nilunod ng kanyang
pagdududa ang kabanalan
ng aking kawalang-malay,
ala-Othello siyang naging taga-
hukom ng aking pagkababae:
birhen o puta?
walang dugong
umagos mula
sa aking hita.
lumabas ito sa bunganga
ko't sumalo sa nanunuyong
mga pawis at luha.
No comments:
Post a Comment